Akala nina Adrian Miguel Dela Cruz, Sophia Ysabelle Ramirez, Kenji Marcus Villanueva, at Clarisse Antonette Vergara na normal lang ang buhay nila bilang high school students. Projects, quizzes, crushes-'yun lang dapat ang problema nila.
Pero isang gabi, habang naglalakad silang apat pauwi, may itim na van na huminto sa tabi nila. Bago pa sila makatakbo, may mga taong naka-maskara na biglang sumunggab at kinidnap silang lahat.
Pagmulat nila, nasa gitna sila ng isang lumang campus sa kagubatan-malayo sa sibilisasyon, walang signal, walang makatakas. Sinalubong sila ng isang nakangiting headmaster at isang karatulang nakapaskil sa gate:
"WELCOME TO BLACKTHORN HELL ACADEMY."
Sa umaga, parang normal na eskwelahan-uniforms, classrooms, teachers.
Pero pagdating ng gabi...
nagiging impyerno ang buong campus.
Dito, pwedeng pumatay ang mga estudyante.
Dito, jungle rule ang batas.
Dito, gang wars, betrayal, survival, at sariling demonyo ang kalaban mo.
At isa lang ang rule ng Blackthorn Hell Academy:
"If you want to live, someone else must die."
Habang lumalalim ang gabi-gabi nilang pakikipaglaban, unti-unti nilang nadidiskubre na hindi aksidente ang pagkakadala nila dito. May mga lihim, koneksyon, at twisted na katotohanan na magpapabago sa buhay nila magpakailanman.
At sa gitna ng takot, dugo, at trahedya-
may mabubuong tiwala, pag-ibig, at pagkakanulo na mas masakit pa kaysa sa anumang sugat.