Nagsimula ang gulo sa buhay ni Lilliane nang sapilitang i-arrange marriage siya ng kanyang guardians kay Arnulfo Fuentes, isang 68-taong gulang na media magnate, para maisalba ang kanilang nalulugi na kumpanya. Pero ayaw niyang ito ang makinabang sa kanyang batang katawan, kaya nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang estranghero.
Ngunit isang gabi lang, nagbago ang lahat. Sa takot at galit, tumakas siya, tinakasan niya ang kanyang guardians at ang lalaking itinakdang pakasalan niya. Ngunit hindi lang sila ang naghahanap sa kanya-kasama ang estrangherong pinagkatiwalaan niya ng kanyang pagkababae, na mas lalong naging interesado matapos makita ang kanyang talino at tapang.
Kalayaan, kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan-lahat ng ito ay nakataya. Sa mundo ng kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil, makakaya kaya ni Lilliane na labanan ang mga humahabol sa kanya... o mahuhulog siya sa mga kamay ng lalaking ama ng ipinagbubuntis niya?
All Rights Reserved