JANUARY 1(CHAPTER 1)STAY TUNE
MONDAY-WED ONLY
3 CHAPTERS A DAY
Si Sky ang tipong hindi napapansin ng karamihan, nerdy, tahimik, at mas masaya sa libro kaysa sa tao. Pero sa buong campus, may isang hindi makapikit at hindi makapagpatahimik sa presensya niya, si Nani, ang bully na kilala sa tapang, yabang, at walang pake sa sasabihin ng iba.
Araw-araw, si Sky ang target niya.
Isang asar dito.
Isang tukso doon.
At minsan, sobra-sobra para kay Sky.
Pero may hindi alam ang lahat.
Sa bawat pang-aaway ni Nani, may halong pagtingin.
Sa bawat sarcastic remark, may nakatagong pag-aalala.
At sa bawat paglapit niya kay Sky... mas halata ang tensyon na pilit nilang tinatago.
Hindi nila sinimulan bilang magkaibigan.
Hindi rin bilang magkalaban lang.
Pero sa mundo ng bully at nerd, minsan ang pinaka-ayaw mong tao...
siya pala ang pinaka mamahalin mo.