Hindi lahat ng plano, nasusunod.
At hindi lahat ng taong iniwan mo sa kahapon, mananatili roon.
Sa gitna ng hectic at unpredictable na buhay-kolehiyo sa Verde University, pilit binubuo ni Aira Villanueva ang kinabukasang matagal na niyang ipinaglaban-walang distractions, walang komplikasyon, at lalong walang emosyon na pwedeng sumira sa mga pangarap niya.
Hanggang sa muling bumalik sa frame ng buhay niya si Rex Calderon-isang film student na puno ng ngiti, talento, at mga alaala na matagal na niyang itinago sa likod ng katahimikan.
Habang hinahabol nila ang kani-kanilang pangarap, unti-unting nahahalo ang pagkakaibigan, pagmamahal, selos, at mga tanong na matagal nang hindi nasasagot.
Sa unibersidad kung saan bawat araw ay isang bagong simula,
hanggang saan ka hahabol-sa pangarap mo, o sa taong matagal mo nang tinatakbuhan?
All Rights Reserved