Sa mundong ito, may lugar ba ang taong miserable ang buhay?
Kada oras, minuto at segundo na dumaraan parang isang hangin- dumaplis lang sa balat na hindi mo namamalayan na tapos na pala ang araw na yon. Na walang nangyari.
Naranasan mo na bang maramdaman na para kang patay?
Hindi dahil wala kana, kundi dahil walang ka nang maramdaman. Bumabangon ka hindi dahil gusto mo, kundi dahil kailangan. Nag-aaral ka kasi kailangan. Nangangarap ka hindi dahil may pangarap ka talaga, kundi dahil kailangan may pangarap-para hindi masabihan na walang direksiyon at hindi pariwara ang buhay.
Buhay? Ano nga ba ang salitang buhay para sa isang batang katulad ko.
All Rights Reserved