The Silent Cry of the Heiress (Completed)
Sabi nila, swerte ka raw kapag mayaman kana at bunso pa sa pamilya-lalo na kung babae ka.
Ikaw daw ang paboritong anak. Pero ang totoo, kasinungalingan ang lahat ng iyon.
Hindi naman nila ako itinuring na anak. Lagi nilang sinasabi, swerte mo siguro dahil bunso ka, pero ang totoo.... Masakit maging bunso.
Kailangan mo silang intindihin kahit walang umintindi sa'yo. Ikaw lang ang inaasahan nila.
Kaya nag-aral akong mabuti para maging doktor-para sa oras na kailangan nila ako, nandoon ako palagi sa tabi nila. Minsan iniisip ko, kaya ba nila akong ginawang tagapagmana dahil naaawa sila sakin? Pamilya ba talaga ang turing nila sa akin bilang isang anak?
Ako nga pala si Catherine Heaven Salvador, isang anak ng pinakamayaman sa buong mundo.
Wala akong kaligayahan sa mundo ng mga Salvador dahil ayaw nila sakin, hindi nila ako gusto.
Masakit sakin na kinakahiya nila ako sa mga tao.
Pero nung intrams namin sa UST may nakita akong guy na medyo bad boy.
Magaling siya sa pagtugtog ng Gitara. Unti-unti ako nagkakagusto sa isang bad boy na ang Kurso niya ay engineer. Siya ay si Jasper Clyden Vergara.