CASTILLO SERIES #2 Have you ever told your crush about your feelings? Lahat naman siguro tayo nagkaroon ng crush, at karamihan ay hindi umaamin dahil takot ma-reject. Pero risk is better than regrets naman diba? Yan kasi ang nakatatak sa utak ko, wala namang mawawala kapag inamin mo yung nararamdaman mo. Ikaw lang din naman ang mahihirapan kapag hindi mo nasabi. At kung ma-reject man ay nanjan si lola para pagaanin ang loob ko-na ayos lang ang lahat. Si lola yung tipo ng tao na kahit hindi niya kadugo ay handa parin syang tumulong. Tulad ng ginawa nya sa mga magulang ko at sa akin. Sya ang nag-paaral sa mga magulang ko dahil itinakwil na sila ng tunay nilang mga magulang. Tinuring ni lola sila mama at papa na parang anak niya, at habang may klase sila ay sya ang nag-aalaga sa akin. © All rights reserved.
More details