Hindi ito ang typical na story na nababasa niyo dito sa Wattpad, tulad ng "Mr. Popular Meets Nerdy Girl" or "Maldita Queen Meets Prince of Shyness". Sawa na ako sa cliché stories na masyado ng gasgas at gamit na gamit na ang format. Ito naman ang medyo decent na kwento ng slightly-unique, always-talking-about-nonsense na lalaking in his teens na bored na sa mundo at sa mga routine ng mga common na tao... Hanggang makilala niya ang babaeng kasing-manhid ng hitang nakatulog at mas insensitive pa sa tinanggalan ng feelings. Si Ms. Insensitive na kaya ang babago sa boring na buhay ni Mr. Boplaks? Mapapawala kaya ng isang manhid na babae ang kakornihan ng isang stupidong lalaki? Isa na namang kwento tungkol sa romance and comedy ng mga high school students, ito ang story by point of view ng main characters na magpaparamdam sa inyo paano mainlove sa opposite gender, makakain ng panis na ice cream, malasahan ang kinakalawang na bakal, at mahimatay sa taas ng starstruck levels.
2 parts