The South's Fiery Arrow (Cardinalis Series #1)
Naisilang sa angkan na mahabang panahon nang pinupuksa, ilang taong binathin at kinimkim ni Maya ang nag-aalab na galit sa lahing nangunguna sa pamumuksa sa kanilang lahi-- ang mga maharlika sa Palaceo Spatha. Sa gabi ng pagtakbo mula sa maniniil, itinaga niya sa busog na iniwan ng namayapang ama, sa kakahuyang tanging espasyo ng kanilang angkan, sa mga hayop na saksi sa kanyang pighati, at sa pusong nag-aalab ng paghihiganti, wawasakin niya ang buong Hilaga hanggang sa hindi na makabangon ang mga ito.
Bawat paniniil ay sumisilang ang kanyang lakas, bawat pang-uusig ay tumutuwid ang kanyang hangarin, at bawat pang-aalipin ay umaalab ang kanyang pusong makaganti. Sa kanyang likas na kahusayan sa sandata at pamumuno, nakamtan niya ang mataas na katungkulan sa kanilang lahi, at kalaunan, nakilala ang sarili bilang babaeng nakatakda sa kapangyarihan ng apoy. Subalit lahat ng naitatag niya para sa sarili ay nayanig at nabuway nang magtagpo ang kanilang landas ni Prinsipe Herninio--ang prinsipeng nagmula sa palasyong kinamuhian niya nang husto.
Pinilit ni Maya na ibaon ang kanyang damdamin para sa mahal na prinsipe, subalit ang selyo ng apoy sa kanilang tadhana ay hindi na mababawi pa.
Isisilang ang isa, ang isa'y nakatakdang magdusa.