Si Nana 'yong tipo ng tao na papalit-palit ng crush, kaya noong umabot ng anim na taon ang pagkagusto niya kay Greg, alam niyang hindi na lang iyon basta happy crush. Ganoon pa man, hindi siya humihiling na mahalin pabalik. Gusto niya lang malaman din ni Greg ang feelings niya para rito. Walang expectations. Walang pressure. Kaya nagsulat siya ng love letter, kasi sa loob ng anim na taong lihim niyang hinahangaan ang lalaki? Sa tingin ni Nana ay deserve niya rin ilabas ang nararamdaman niya. Saka, wala namang magbabago kung magco-confess siya kay Greg... O wala nga ba talaga?
More details