Sabi nila darating daw ang tamang tao kapag handa ka na.
Hindi nila sinabi kung gaano kadelikado magmahal kapag may kulang sa'yo simula pa lang.
Karlea Anna Sarmiento, grew up without a real father figure. Walang lalaking nanatili, walang umalalay, walang nagpaalala na sapat siya. Kaya mabilis syang ma-attach sa mga lalaking nagbibigay ng konting atensyon, isang tanong, isang concern, isang "ingat ka."
Hanggang sa dumating si Mateo Miguel Montenegro.
Mateo Miguel Montenegro o Miggy, ay ang tipo ng lalaking mahirap intindihin. Minsan nandyian, minsan wala. Minsan pinaparamdam na mahalaga ka, at minsan parang hindi ka niya kilala
Paulit-ulit siyang binalaan ng mga kaibigan nya na lumayo. Paulit-ulit din niyang piniling manatili.
Sabi ng mga kaibigan niya na mas mabuting kalimutan si Miggy, dahil hindi raw siya para kay Karlea. Pero paano tatanggalin ang isang taong palaging nasa isip mo, na tila ba ay nakaukit na ito hindi lamang sa isip ngunit pati narin sa puso nito.
Sa kwentong pag-ibig, may mga tanong na hindi nasasagot, at mga pangarap na unti-unting sumisira kapag hinarap ang katotohanan.
All Rights Reserved