11 parts Ongoing MatureSi Aiden isang college student at isang honor student na piniling makapag tapos ng pag aaral, makahanap ng trabaho at maipag malaki ang kanyang pamilya. Mula ng siya ay nabigo sa pag ibig ay nangakong hindi na muling papatol sa isang relasyon. Sa kanya ang damdamin ay magiging malaking sagabal laman sa kanyang pangarap.
Pero nabago ang lahat ng makilala nya ang isang babaeng hindi nya akalaing mamahalin nya, si Missy isang babae na may natatanging kagandahan at angking talento. Sa mga simpleng pag uusap sa ilalim ng mga bituin sa gitna ng gabi ay unti unting nababasag ang pader na itinayo ni Aiden sa kanyang puso.
Si Missy ay hindi lang basta babae, siya ang nag paalala kay Aiden na ang pag ibig ay hindi laging sakit kundi minsan ay ito rin ay isang lunas.
Ngunit may mga lihim si Missy na hindi agad ipinakita, at sa bawat araw na lumilipas mas lalong lumalalim ang koneksyon nila. Hanggang kailan kayang itanggi ni Aiden and damdaming pilit na bumabalik?. At handa naba syang tanggapin na minsan, ang mga bagay na hindi mo planado ay siya palang tunay mong kailangan?