Sa isang unibersidad kung saan ang bawat landas ay sinusukat at may sinusunod na batas, nagbanggaan ang dalawang mundong hindi dapat magsalubong.
Rafael Cruz-isang architecture student na kilala sa ingay ng makina, tapang ng loob, at mga disenyong hindi humihingi ng pahintulot. Para sa kanya, ang mundo ay isang canvas-pwedeng baguhin, pwedeng baliin, pwedeng likhain muli.
Adrian Villamor-ang Golden Prince ng College of Law. Maingat sa bawat salita, kontrolado ang bawat galaw, at sanay mamuhay ayon sa mga alituntunin. Para sa kanya, ang kaayusan ay hindi opsyon-kundi obligasyon.
Isang banggaan sa parking lot ang nagsimula ng lahat-isang Ducati, isang Maserati, at dalawang personalidad na parehong ayaw umatras.
Sa pagitan ng blueprints at codes, matutunan ba nilang baguhin ang sarili nilang mga panuntunan?
O mananatili silang bihag ng reputasyon, responsibilidad, at mga pader na sila rin ang nagtayo?
Dahil minsan, ang pinaka-mapanganib na disenyo-
ay ang umibig sa taong sisira sa lahat ng plano mo.
Tous Droits Réservés