Si Elara Quinn, isang clumsy na college girl na palaging nadadapa-hindi lang sa lakad, pati na rin sa buhay.
Sa unang araw niya sa unibersidad, nabangga niya si Kieran Blackwood, isang misteryoso, malamig, at tahimik na lalaki na may tinatago palalim na sugat.
Habang lumalalim ang kanilang pagkakakilala, unti-unting nagkakalapit ang puso nila kahit pa may mga takot at sugat na pumapaligid.
Paano kung ang taong ayaw mong mawala ang siyang nagpapahirap sa'yo? At paano kung ang pag-ibig na gusto mong ipaglaban ay may kalakip na sakit?
Sa kwentong ito, matutuklasan nila na kahit gaano ka-man kahina, may taong laging handang sumalo - sa pagkakadapa, sa luha, at sa bawat laban ng puso.
Ubod ng sungit ang professor ni Shanna na si Prof. Xevie. At dahil graduation na, sa wakas, hindi na niya ito makikita pang muli. Ngunit sa araw ng ceremony, isang matandang babae ang panay ang tingin sa kaniya-at maya-maya'y inireto siya sa nag-iisa nitong anak.
Paano kung matuklasan niyang si Prof. Xevie pala iyon?
Mayaman, maraming ari-arian sa probinsya, at higit sa lahat... may-ari ng sakahang sinasaka ng kaniyang pamilya.
Tatanggapin ba niya ang alok na kasal ng ina nito?