True Love ?
Yun yung mahal ka pa din niya kahit nagka-pimples ka o tumaba ka. Yung tanggap ka kung ano at sino ka. Yung kayang pakisamahan ang moodswings mo. Yung lalambingin ka kapag galit o nagtatampo ka. Yung sasabihang korni ng mga jokes mo, pero tumatawa pa din. Yung okay lang laitin nyo ang isat-isa, lalaitin ka nya tapos gagantihan mo sya bilang kasama lang sa pagbibiruan nyo. Yung kapag nag-walk out ka, susundan ka o kapag hindi ka nakitang kasabay niya sa paglalakad, pupuntahan at sasabayan ka. Yung pagbabawalan ka sa mga maling ginagawa mo. Yung magagalit kapag hindi ka nakikinig sa mga tamang bagay na sinasabi nya. Yung taeng-tae makita ka, at basahin at replyan mga texts mo. Yung taong nakatingin lang sayo, may dumaan man sa harapan nya na mas, at higit sayo, ikaw at ikaw pa din ang pinaka at tanging ikaw lang. Yung ipapakilala ka sa pamilya nya. Yung pinagmamalaking ikaw ang mahal nya. Yung ikaw ang ginagawang inspirasyon sa mga ginagawa nya. Yung gagawing tanga ang sarili nya mapatawa ka lang. Yung mas mahal ka kaysa sa pride nya. Yung taong mag-ssorry kahit hindi siya ang may kasalanan, matapos lang ang away. Yung iintindihin ka at may napakahabang pasensya sayo. Yung taong hindi magsasawa at mapapagod sa’yo.
-this story is dedicated to my one and only GROOM SOMEDAY :)
mag'enjoy lang kau sa himig ng pag'ibig
LOVE U GUYS :*
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.