"kung sa bawat hawak ko sa iyong lagyo ay kabawasan ng aking hangga ng buhay,
Ang aking mga kamay ay mananatiling kumakapit,
Hi-higpitan ko pa kung sakali.
Marahil sa kahit anong dugo ang kunin,
Bunggo man ay wasakin,
At buto ko man ay tanggalin,
Ako'y mananatiling nakadikit ng mahigpit,
sa lagyo mong itinuring ko ng banal simula pa lang ng matagpuan ng aking mga mata ang iyong mukha.
Celestia, ako'y umaamin,
na ako'y minsan ng humiling,
na lunurin ako sa dagat na pula,
At sabay aahon na naka pailalim na sa iyong sumpa."
Zephyr Rodriguez-Hernandez