22 parts Complete Akala ko normal na ang buhay ko sa Star City bilang isang college student-yung tipong bahay, school, at aral lang ang inaatupag ko. Pero lahat ng 'yun nagbago nung biglang nagpakita ang tatlong lalaking akala ko ay kinalimutan na ako: sina Glen, Allen, at Asher. Two years silang nawala nang walang pasabi, walang paramdam, na parang mga multo.
Pero pagbalik nila, bitbit nila ang mga dahilan kung bakit sila nang-iwan-mga sikretong hindi ko inaasahan, lalo na ang tungkol sa sakit ni Glen na siyang first love ko. Ngayong magkakapitbahay at magkaklase na kami ulit, kailangan kong harapin ang mga feelings na pilit ko nang ibinaon, pati na ang panggugulo ng ex-boyfriend kong si Aiden. Ito ang kwento ng barkadahan, pag-amin, at ang pagpapatunay na ang unang pag-ibig, mahirap talagang kalimutan.