Sa mga tahimik na bukirin ng Campania, Italy, lumaki si Gonzalo Costantini-isang batang may ugat sa Negros, anak ng katutubong lahi na winasak ng kasakiman sa lupa. Siya na lamang ang natitirang buhay mula sa kanyang angkan, ngunit muling nabuo ang kanyang mundo nang ampunin siya ni Hildaria, matalik na kaibigan ni Doña Esmeralda DiMarco.
Sanggol pa lamang si Gonzalo nang dalhin siya ni Hildaria sa Italya. Doon siya nagkamuwang, at nang mag-asawa si Hildaria sa isang Italyano, naging ganap na anak siya ng pamilyang Constantini. Sa payak na pamumuhay ng probinsya, lumaki si Gonzalo na tahimik at mapagmasid-ngunit may lihim na tinatago: hindi siya nahuhumaling sa mga babae, kundi sa kapwa lalaki.
Sa lipunang mahigpit ang simbahan at batas, pinili niyang ikubli ang kanyang damdamin. Ngunit hindi siya nakaligtas sa mga mata ni Vittorio Monteleone, kaklase at mapanghamong bully na paulit-ulit siyang tinutukso at sinasaktan. Sa takot na mabunyag ang kanyang lihim, nanatili si Gonzalo sa katahimikan.
Hanggang sa isang pangyayari ang nagbago ng lahat. Sa kabila ng panlilibak, pananakit, at mga bawal ng lipunan, ang dalawang binatang magkaaway ay mahuhulog sa sitwasyong magtutulak sa kanila na harapin ang kanilang kasarian, pagkatao, at ang pag-ibig na ipinagbabawal.
Sa mundong itinuturing na kasalanan ang umibig sa kapwa, paano nila haharapin ang tinaguriang one of the deadly sex sins?
Isang kwento ng pagnanasa, hiya, at pag-ibig na tinatawag ng lipunan na:
Sodomita. Sodomite.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang