Il Sodomita

Il Sodomita

  • WpView
    Reads 5,724
  • WpVote
    Votes 102
  • WpPart
    Parts 39
WpMetadataReadMatureComplete Fri, Apr 17, 2026
Sa mga tahimik na bukirin ng Campania, Italy, lumaki si Gonzalo Costantini-isang batang may ugat sa Negros, anak ng katutubong lahi na winasak ng kasakiman sa lupa. Siya na lamang ang natitirang buhay mula sa kanyang angkan, ngunit muling nabuo ang kanyang mundo nang ampunin siya ni Hildaria, matalik na kaibigan ni Doña Esmeralda DiMarco. Sanggol pa lamang si Gonzalo nang dalhin siya ni Hildaria sa Italya. Doon siya nagkamuwang, at nang mag-asawa si Hildaria sa isang Italyano, naging ganap na anak siya ng pamilyang Constantini. Sa payak na pamumuhay ng probinsya, lumaki si Gonzalo na tahimik at mapagmasid-ngunit may lihim na tinatago: hindi siya nahuhumaling sa mga babae, kundi sa kapwa lalaki. Sa lipunang mahigpit ang simbahan at batas, pinili niyang ikubli ang kanyang damdamin. Ngunit hindi siya nakaligtas sa mga mata ni Vittorio Monteleone, kaklase at mapanghamong bully na paulit-ulit siyang tinutukso at sinasaktan. Sa takot na mabunyag ang kanyang lihim, nanatili si Gonzalo sa katahimikan. Hanggang sa isang pangyayari ang nagbago ng lahat. Sa kabila ng panlilibak, pananakit, at mga bawal ng lipunan, ang dalawang binatang magkaaway ay mahuhulog sa sitwasyong magtutulak sa kanila na harapin ang kanilang kasarian, pagkatao, at ang pag-ibig na ipinagbabawal. Sa mundong itinuturing na kasalanan ang umibig sa kapwa, paano nila haharapin ang tinaguriang one of the deadly sex sins? Isang kwento ng pagnanasa, hiya, at pag-ibig na tinatawag ng lipunan na: Sodomita. Sodomite.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Daddy Hugo
  • Daddy Juan | El Adultero
  • Daddy Jorg
  • Bachelor Daddy
  • La Prostituta
  • Oh, Padre! (Tagalog Version)
  • El Fornicador
  • Wet 'n Wild
  • Wild Things
  • Young Wild and Free

Si Luna Constantini ay lumaki sa Sisters of the Lady of Guadalupe Convent matapos iwanan ng kanyang mga magulang noong siya ay sanggol pa lamang. Bagamat inabandona, hindi nagpatinag si Luna sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, naharap siya sa hamon ng mataas na gastusin sa kolehiyo, lalo na't umaasa lamang ang kumbento sa mga donasyon. Dahil dito, napagdesisyunan ni Luna na pansamantalang itigil ang kanyang pag-aaral. Isang araw, nakatanggap siya ng isang sulatroniko na may nakakahimok na alok: siya ay inanyayahan na maging iskolar. Agad na sumiklab ang pag-asa sa kanyang puso dahil tila may pagkakataon na siyang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa kanyang pag-imbestiga, napansin niya ang kakaibang pangalan ng organisasyong nag-aalok sa kanya ng iskolarsyip - ang "Daddy Society." Hindi lamang ang pangalan ang nagdulot ng panggugulo sa isip ni Luna, kundi pati na rin ang nilalaman ng mensahe sa sulatroniko. Ano nga ba ang kahulugan ng "Daddy Long Legs" sa kanyang buhay? At ano ang maaaring naghihintay sa kanya sa likod ng alok na ito? Sa kanyang paglalakbay upang tuklasin ang pagkakataong ito, nahaharap si Luna sa mga tanong tungkol sa sarili, pamilya, at pagkakakilanlan na maghuhubog sa kanyang kinabukasan.

More details
WpActionLinkContent Guidelines