May isang museyo na hindi lumalabas sa mapa.
Wala itong address, wala ring oras ng pagbubukas, ngunit bukas ito para sa mga taong may hinahanap, kahit hindi nila alam kung ano.
Sa bawat kabanata, ibang tao ang papasok sa museyo.
Iba't ibang buhay. Iba't ibang sugat. Iba't ibang dahilan kung bakit sila naroon.
Ngunit iisa ang patakaran:
Sa sandaling makita mo ang obra na nakalaan para sa'yo, hindi ka na lalabas na pareho.
Ang museyo ay hindi lamang koleksiyon ng mga painting,
ito ay talaan ng mga desisyong hindi na mababawi, mga pag-ibig na hindi tinapos at natapos, at mga wakas na minsang maaaring baguhin.
May mga bisitang makakakita ng kanilang kinabukasan.
May iba na makakakita ng taong hindi na dapat buhay.
At may ilan na makakakita ng sarili nilang pangalan, may petsa ng simula at katapusan.
Sa pagitan ng pag-ibig at panganib,
mananatili ka ba?
O pipiliing umalis kahit may kapalit?
Ito ang Museyo ng mga taong may sapat na pamimilian.
Isang lugar na minsan mo lang mapupuntahan,
pero habambuhay mong dadalhin ang nasimulan at iniwan mo roon.
Kung mabibigyan ka ng isang pagkakataon, susugal ka ba? paano kung sa pagsugal mo ay may kapalit, handa ka ba?
Todos os Direitos Reservados