May mga lugar sa Pilipinas na hindi makikita sa mapa. Mga bayang tila nilamon ng panahon, mga simbahan na hindi na dapat tumunog ang kampana, at mga aninong matagal nang dapat nanatiling nakabaon sa dilim. Nang makatanggap ang NINTH SIGHT ng isang desperadong transmission mula sa nawawalang investigation team sa bayan ng San Hierro, agad ipinadala ang Fourth Veil Unit-isang grupo ng mga kabataang operatiba na may taglay na kakaibang Clair abilities at sanay humarap sa mga kasong imposible para sa ordinaryong tao. Ngunit walang naghanda sa kanila sa kung ano ang naghihintay sa loob ng bayan. Mga kalsadang paulit-ulit na nagbabago. Mga taong tila may itinatagong takot. Mga bulong na naririnig sa gitna ng ulan. At isang presensyang tila matagal nang naghihintay sa kanilang pagdating. Habang isa-isang nabubunyag ang mga lihim ng San Hierro, mapipilitan silang harapin hindi lamang ang mga nilalang ng alamat at bangungot-kundi pati ang madilim na katotohanan sa likod ng NINTH SIGHT mismo. Dahil may mga bagay na hindi dapat makita. May mga pangalan na hindi dapat maalala. At sa oras na marinig mo ang mga kampana ng San Hierro- huli na ang lahat.
More details