Ikaw na nga tong nagmahal ng todo, ikaw pa nasaktan.
Ikaw na nga nagmalasakit lagi sa kaniya, ikaw pa sinaktan.
Ikaw na nga nagalala, ikaw pa din ang nasasaktan.
Ikaw na nga nagpakatanga at lahat lahat, ikaw pa din talaga ang nasaktan.
Bakit ba kase kailangan mo pa masaktan sa pagmamahal eh ginawa mo na nga lahat para lang sa kaniya?!
Hindi ba pwedeng wag ka nalang masaktan sa pagmamahal? Hindi ba pwedeng mahalin niya na lang din ako gaya ng pagmamahal ko sa kaniya para wala ng masaktan. Ang hirap hirap naman kase.
Bakit ba kase nauso pa ang salitang masaktan sa pagmamahal?
Sabi nila, MOVE ON ang nagiisang bagay para maging okay ka. Mahirap pero kailangan para lang maging masaya ka na ulit. Hindi naman kase sa lahat ng oras kailangan nakamukmok ka nalang. Kaya gagawin ko to hangga't maaga pa. HANGGA'T MAY ORAS PA AKO.
Buti pa ang mga bituin hindi ka nila iiwan at sasaktan, kaya pasalamat nalang talaga ako sa kanila kase hanggang ngayon di pa nila ako iniiwan. :)
Kaya mo bang magpaka martyr??
Para lang sa kanya??
Nagmahal ka lang naman pero bakit ang sakit sa dibdib na yong mismong minahal ay siya ring nanakit sayo......
Martyr na kung martyr basta mahal ko siya....
Gagawin ko ang lahat para mahalin nya rin ako....
Dahil alam kung darating ang araw na mamahalin nya rin ako.......