"Minsan kahit na pilitin mong uminit ang damdamin, di siya susunod at di maglalambing..."
Para sa tanyag na dermatologist na si Julius, ang pag-ibig ay parang balat-kailangang alagaan, kailangang protektahan, at hinding-hindi dapat hayaang mabulok. Sa loob ng kanilang tahanan, tila perpekto ang lahat. May mainit na kare-kare, may malambot na haplos, at may musikang nagpapatulog sa kanilang mag-anak.
Ngunit sa likod ng samyo ng lemon air freshener at bawat tahi sa daster ni Sally, may isang katotohanang pilit itinatago ng apat na sako ng asin.
Gaano kalayo ang kayang lakbayin ng isang asawa para panatilihing "buhay" ang isang pag-ibig na matagal nang pumanaw? Isang kuwento ng grief, obsession, at isang hapong hindi na natuyo ang lansa.
Music Credits: Apo Hiking Society - "Tuyo Na'ng Damdamin"
No copyright infringement intended. I do not own the rights to the music used in this video. All rights belong to the respective owners. For creative and promotional purposes only.
Ito ay isang gawa-gawa lamang (Work of Fiction). Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay, tao, o pangyayari ay hindi sinasadya. Ang mga maseselang tagpo ay bahagi lamang ng sining ng psychological horror. Read at your own risk. ⚠️🥀
TRIGGER WARNING: ⚠️
Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang paksa kabilang ang suicide, mental illness, death, at graphic descriptions na maaaring makabagabag sa ilang mambabasa. Hinihikayat ang reader discretion.
This is the 1st Installment of "THE NEIGHBORHOOD" TRILOGY.
All Rights Reserved