Para kay Danita, ang Tuguegarao ang perpektong kuta para takasan ang mga nanggigipit na online loan collectors sa Maynila. Ang hindi niya inaasahan? Sa unang gabi pa lang, sa bisig na ng isang masungit at morenong lalaki siya babagsak-si Calyx, ang kuya ng matalik niyang kaibigan na "bad influence" ang tingin sa kanya.
Habang nasa poder siya ng binata, hindi siya nito hinayaang tumira doon nang libre. Ginawa siyang "modern-day alipin" ni Calyx-mula sa pagbubungkal ng lupa, pagpitas ng sili, hanggang sa paglusong sa sapa para kumuha ng kuhol.
Pero sa gitna ng pang-aalipin at asaran, unti-unting natunaw ang yelo sa puso ni Calyx. At habang nagbubuhol ang kanilang mga damdamin, muling eeksena ang mga multong tinatakbuhan ni Danita.
Paano kung mahanap siya ng mga loan collectors sa gitna ng bukid? Handa kaya siyang protektahan ng lalaking dati ay asar na asar sa presensiya niya?
At ano nga ba ang totoong kabayaran para sa kaligtasang ibibigay ni Calyx kay Danita? Pera o ang puso ng dalaga?
Tous Droits Réservés