Not Afraid Of You, President
"Hindi mo man lang ako mabigyan ng ngiti."
Isang simpleng tanong-pero walang simpleng sagot.
Sa pagitan ng pag-iwas at katahimikan, unti-unting nagbago ang lahat.
Dati, madali lang ang lahat-may asaran, may mga tingin na walang ibig sabihin.
Pero isang araw, bigla na lang siyang umiwas.
"Kailangan ko lang mag-focus sa ibang bagay."
Yun lang. Walang paliwanag. Walang dahilan.
At doon nagsimula ang mga tanong na hindi masagot.
"May nagawa ba akong mali?"
"Bakit kapag sa iba, masaya ka... pero pag sa akin, hindi?"
Habang pilit nilang itinatanggi ang nararamdaman, mas lalo itong nagiging totoo.
Sa bawat iwas, sa bawat tingin, at sa bawat pagkakataong nakikita nilang may ibang taong lumalapit-may kung anong kumikirot na hindi nila maipaliwanag.
"Wala naman akong karapatan."
Pero bakit ang sakit pa rin?
Isang kwento ng dalawang taong pareho lang tumatakbo-
isa, pilit tinatago ang nararamdaman...
at isa, hindi alam kung bakit siya naaapektuhan.
Hanggang kailan nila kayang iwasan ang isang bagay na unti-unting lumalalim?
At paano kung sa huli, huli na ang lahat bago pa nila aminin...
na hindi na ito "wala lang"?