Kapag bumuka ang langit at bumagsak ang mga bituin, isang babae lang ang kayang tumawid.
Si Celestia ay mula sa Aurelia Kingdom-isang kaharian ng liwanag at alaala, pinamumunuan ng kanyang pamilya at minamahal ng kanyang mga tao.
Siya ang huling traveler, may kakayahang maglakbay sa pagitan ng mga mundo gamit ang liwanag, emosyon, at mga sinulid ng alaala.
Sa World 1, nakipaglaban siya sa tabi ng mga bayani upang talunin ang Demon King. Sa wakas, nagtagumpay sila.
Ngunit matapos ang digmaan, bumalik siya sa Aurelia upang magpahinga, kasama ang kanyang pamilya at mga mamamayan na umaasa sa kanyang lakas.
Akala niya tapos na ang laban. Pero nang mawala ang kanyang kakayahang makita ang hinaharap, isang nakakatakot na tanawin ang lumitaw: muling bumangon si Virelux, ang Fallen Star, at pinamumunuan ang mga demonyo upang wasakin ang multiverse.
Ngayon, si Celestia lang ang natitirang pag-asa. Kailangan niyang bumangon muli, tumawid sa mga sirang dimensyon, at hanapin ang mga bayani bago tuluyang maglaho ang lahat ng mundo.
Sa pagitan ng liwanag at dilim, sa pagitan ng takot at pag-asa-pipiliin ni Celestia kung sino ang ililigtas, at kung anong mundo ang handa niyang isakripisyo.
Dominio público