Minsan yung taong nakatadhana sayo, andyan na pala. Minsan sa tabi lang o sa tapat, gilid or pwede ding nasa likod mo lang. :) Madameng lugar, pwede din sa byahe o paglalakad, kung tama na ang oras para sainyo tadhana na ang maglalapit sainyo.. Wag mong hanapin yung taong mamahalin mo, bilang babae hayaan mong sya ang makahanap sayo.. dahil bawat isa satin, may nakalaan na isang tao para mahalin at alagaan tayo sa tamang oras! Tiwala lang! May mga sitwasyon talagang hindi dapat minamadali dahil once na minadali mo, masasaktan ka lang ng masasaktan dahil sa maling taong nakikilala mo! :)
At pag dumating na yung tamang tao na yun, dun mo ma-eexperience yung kahit anong pagsubok magagawa mong lampasan maging maayos lang lahat.. sa isang relasyon kasi hindi mo kailangan ng pride, tandaan "ANG PRIDE PINANGLALABA LANG, WAG UGALIIN!" Madalas kasi pride ang unang nagiging kalaban sa isang relasyon, ano ba kasi yung magsorry ka sa taong mahal mo? Kailangan ba kung sinong may kasalanan sya lage magpapa-unang magsorry? Hmmmm. hindi din, kasi kung talagang mahal nyo ang isa't isa hindi nyo na para patagalin yung tampuhan o away na yan..
NOTE:
Hindi ko hangad ang madameng VOTE, gusto ko lang makapag-share ng kwento na alam kong may matutunan kayo lalo na sa mga broken hearted dyan o sa mga hopeless romantic! :) Sana makatulong sainyo ang ilang lines ng story ko! Thanks!
S L O W U P D A T E ! :)