π–†π–“π–Œ π–’π–Šπ–“π–˜π–†π–π–Šπ–—π–” | π–”π–“π–ˆ 𝖕𝖍 'πŸπŸ”

π–†π–“π–Œ π–’π–Šπ–“π–˜π–†π–π–Šπ–—π–” | π–”π–“π–ˆ 𝖕𝖍 'πŸπŸ”

  • WpView
    Reads 157
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 7
WpMetadataReadComplete Wed, Apr 29, 2026
Isang buwang magiging tulay si Eliseo (hindi niya tunay na pangalan) kapalit ng yamang pantustos sa kanyang kolehiyo. Siya ang magiging tagahatid ng mga sulat sa pagitan ng isang lider ng kilusan at ng isang paring seglar at guro sa paaralan. Ang paksa ng kanilang usapan? Hindi siya sigurado at hindi niya balak na alamin pa iyon. Ang tanging layunin niya ay maisakatuparan ang misyon sa kabila ng mahalagang kondisyon: ang pumasok bilang estudyante sa paaralang eksklusibo lamang para sa mga kalalakihan nang walang nakakaalam sa kanyang ginagawa. Kung tutuusin, magaan pa para kay Eliseo ang gagawin. Kaya nang alukin siya ng isa pang misyon ay tinanggap niya agad. Isang gabi lang naman siyang magiging tagapaglibang ng mga bisita sa gaganaping piging sa bahay na bato. Ngunit, ang akalang magiging payapa ang gabi ay biglang naglaho nang masilayan niya sa gilid ng sala real ang kaklaseng nakatingin sa kanyang direksyon. At hindi lang basta kaklase. Siya rin ang kasama sa kwarto ni Eliseo. Si Isagani o mas kilala bilang Gani. Nakasuot ito ng barong tagalog, itim na pantalon, at sapatos na gawa sa katad. Kumpara naman sa suot ni Eliseo na traje de mestiza, peluka, at may pamaypay pa. - "Maaari ba kitang maisayaw, Binibini?" "Punye-" Napatigil si Eliseo nang may dumaan sa kanilang gilid. Nang sigurong wala ng makakarinig ay ibinalik niya ang masamang tingin sa isa. "Ngayon pa talaga? Sa sitwasyon natin ngayon? Kanina lang, tinawag mo akong bayaran. Tapos ngayon, yayayain mo ako-" "Nakatingin siya." "Sino?" "Siya." Napalitan ng takot ang tapang sa mata ni Eliseo. "Ang lalaking naka...?" Pasimpleng tumango si Isagani, hindi bumibitaw sa mga mata ng naka-bihis dalaga. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni Eliseo katuloy ng mahina niyang pagsambit, "Kaya sa akin lang ang tingin."
All Rights Reserved
#39
betrayal
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Way Back To 1898  βœ“
  • Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
  • Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha)
  • Only The Present Is Eternity
  • The Bored Marquis Daughter Is Marrying The Duke
  • M
  • Segunda
  • Rewritten By Fate
  • Ang Tampalasang Alipin
  • Malaya

C O M P L E T E D Nang yayain si Thalia ng kanyang mga kaibigan na sumama sa isang road trip, buong pag-aakala niya ay magiging masaya iyon at puno ng mga magagandang alaala. Subalit nang pumasok siya sa isang lumang museo na kilala sa lugar ng kanyang kaibigan, napukaw ng isang napakagandang obra ng isang babaeng kamukhang-kamukha niya ang kanyang atensiyon. Nakaramdam siya ng kakaibang koneksiyon sa larawan pero hindi niya na lamang iyon pinansin. Buong akala niya ay dala lamang ng paghanga sa naturang obra ang kanyang naramdaman. Subalit nang magising siya sa isang hindi kilalang lugar ay unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat ng pangyayari. Kung ano ang kinalaman niya sa taong iyon, at kung anong papel niya sa mundong pinagdalhan sa kanya ng obra sa larawan ay hindi niya alam. Date started: July 10, 2025 Date ended: March 15, 2026 - All right reserved 2025 Β© WhiteGelPen Plagiarism is a crime.

More details
WpActionLinkContent Guidelines