ib:the how's of us
Fresh graduates sila. Parehong may diploma. Parehong may pangarap.
Si Caleb, may gitara at pangarap maging artista sa music industry.
Si Lia, may utak sa marketing at determinasyong makaahon sa kahirapan.
Noong college, sapat na ang pagmamahal at mga pangakong "balang araw." Pero pagdating ng totoong buhay, hindi pala kayang bayaran ng passion ang renta. Hindi tinatanggap ng bangko ang exposure. At hindi napupuno ng mga kanta ang kumakalam na sikmura.
Habang si Caleb ay patuloy na humahabol sa spotlight, si Lia naman ang tahimik na lumalaban sa dilim-dalawang trabaho, puyat, pagod, at mga utang na unti-unting dumudurog sa kanya. Mahal niya si Caleb. Pero hanggang kailan niya kayang buhatin ang pangarap na hindi naman kanya?
Sa pagitan ng gitara at ng resibo,
sa pagitan ng pangarap at responsibilidad,
may isang ultimatum na kailangang ibigay.
Dahil minsan, hindi sapat ang "mahal kita."
Minsan, kailangan mong pumili.
Music... o ako?
All Rights Reserved