
• PUBLISHED UNDER SKYWARD PH Sabi nila bulag daw ang pag-ibig, dahil ang taong para sa 'yo na nasa harapan mo lang ay hinahanap mo pa sa iba. Si Rochelle ay isang modelong nangangarap magkanobyo ng foreigner, hindi para yumaman kundi para malahian. Ilang pinoy na ang dumaan sa kaniyang hindi nagtagumpay. Ang huling matiyagang manliligaw niyang si Lorenzo na isang modelo't mabuting tao at higit sa lahat ay seryoso't desididong makamit ang matamis niyang 'oo' ay pilit pa rin niyang pinagtatabuyan. Sa madalas na pagbisita ni Rochelle sa online dating site ay nakilala niya ang Amerikanong nagpatibok ng kanyang puso. Hanggang sa dumating ang araw na kailangang-kailangan ni Rochelle ang matiyaga niyang manliligaw, ngunit hindi na iyon nagparamdam pa sa kaniya, tila'y naglaho nang parang bula. Nasaan na kaya si Lorenzo? Sumuko na ba ito't nagpakalayo-layo? May kinalaman kaya ang Amerikanong nobyo ni Rochelle sa pagkawala ng binata? Ano kaya ang kagimbal-gimbal na sekretong matutuklasan ng dalaga?All Rights Reserved