Matapos mahuli ni Kai ang boyfriend niyang nag-cheat sakanya at mawalan ng tiwala sa pag-ibig, hindi na siya naniniwalang may forever pa para sa dalawang lalaking nagmamahalan ngayon.
Isang gabi sa BGC, nakilala niya si Alejandro de Silva-isang misteryosong lalaking nakasuot ng damit na mula pa sa panahon ng mga Espanyol na biglang napadpad sa modernong panahon.
Habang tinutulungan ni Kai si Alejandro na intindihin ang mundo ng kasalukuyan, natuklasan niya ang isang klase ng pagmamahal na hindi niya naranasan noon, isang pagmamahal na puno ng respeto, pag-aalaga, at pagiging maginoo.
Ngunit bago pa nila malaman kung bakit sila pinagtagpo ng panahon, biglang nawala si Alejandro.
Muling nasaktan si Kai, hanggang sa isang kakaibang pangyayari ang magdala sa kanya sa nakaraan, sa panahon ng mga Espanyol (1890), kung saan muli niyang makikita si Alejandro, ngunit bilang si Don Alejandro de Silva, tagapagmana ng isang makapangyarihang pamilya sa Batangas.
Sa panahong hindi tanggap ang pagmamahalan nila, kailangang harapin nina Kai at Alejandro ang mga lihim ng nakaraan, mga hadlang ng pamilya, at isang kapalarang tila patuloy silang pinaglalayo.
Dahil minsan, ang tunay na pag-ibig ay hindi lang sumusubok sa distansya, sinusubok din nito ang panahon mismo.
Tutti i diritti riservati