Sa isang imperyong ang halaga ng tao ay nakatalaga na ayon sa kapanganakan, si Mayumi Calithra Magansala ay nagmula sa pinakailalim ng lipunan-isang babaeng lumaki sa kahirapan, walang yaman o impluwensiya at tanging tibay at tatag ng loob lamang ang puhunan.
Nang mabigyan siya ng pagkakataong makapasok sa prestihiyosong paaralan ng Gehenna, isang institusyong nakalaan lamang para sa mga maharlika at makapangyarihan, napasok niya ang mundong napapaligiran ng mga elitistang estudyanteng sinanay mula pagkabata o mas kilala bilang mga Alta Sanguis. Kasama ang hanay ng mga Infra Sanguis o iyong mga hindi puro ang dugo, mabilis niyang natutunan na hindi sapat ang pagpupursigi upang mabuhay. Bawat laban ay pagsubok sa dangal. Bawat alyansa ay may nakatagong ambisyon. At bawat tagumpay ay may hinihinging malaking kapalit.
Habang mas tumitindi ang tensyon sa loob ng Gehenna, unti-unting nakikilala ni Mayumi ang kaniyang tunay na sarili. Ngunit ang kapangyarihang inaasam ay ibinibigay lamang sa mga may lakas ng loob na kuhain ito. Maaaring pilitin siyang pumili sa pagitan ng hustisya, kapangyarihan, at kung sino ba talaga ang nais niyang maging.
Isang kuwento ng pagpupunyagi, tunggalian, at paghamon sa tadhana-tungkol sa isang paslit na nangahas baguhin ang mundong matagal nang nagtakda ng kanyang hangganan.