Sa kaniyang ikalimang kaarawan, matutuklasan ni Eliana ang isang mahiwagang aklatan kung saan panandalian niyang makalilimutan ang mapanghamong mundo. Sa bawat pahina ng librong kaniyang binabasa, mararanasan niya ang buhay kung saan buo pa ang lahat. Sa loob ng aklatang iyon, siya ang pinaka-confident, pinakamayaman, at higit sa lahat, pinakamasaya.
Marahil nga'y gawa-gawa lamang nang malikot niyang isipan ang mahikang kaniyang naranasan. Ngunit sa kaniyang ika-18 kaarawan, malalaman niyang lahat nang iyon ay totoo. Ang Magic Shop ay totoo, at lumalabas lamang ito sa tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan kung kailan tila may galit sa kaniya ang mundo.
Kung may bagay kang kayang ipagpalit―materyal o personal na katangian―para sa isang aklat na kayang iparanas ang buhay na iyong nais, ano ito?
Para kay Eliana, madali lang ang katanungang ito sapagkat mayaman siya sa mga bagay na kaya niyang bitawan nang walang pag-aalinlangan ― mga katangiang sa tingin niya'y nagpapahirap sa kaniyang buhay.
Ngunit wala nga kaya siyang pagsisihan sa dulo?
All Rights Reserved