Sa loob ng prestihiyosong Montemayor Academy, dalawang pangalan ang palaging magkatapat sa ranking board - Dylan Reyes at Marcus Villareal. Academic rivals. Campus icons. Certified magkaaway.
Simula pa lang freshman year, wala nang araw na hindi sila nagbabangayan - sa grades, sa debate, sa sports fest, kahit sa simpleng class recitation. Para sa lahat, imposible silang magkasundo.
Pero isang problema ang magpapabago sa lahat.
May isang girl na sobrang obsessed kay Marcus, at kahit ilang beses niya nang tinanggihan, hindi pa rin siya tinatantanan. Pagod na si Marcus sa issue at sa mga rumors, kaya bigla niyang naisip ang pinaka-worst na idea sa buong buhay niya:
Magpanggap na boyfriend... si Dylan.
Fake dating. Public display of affection. Sweet posts. Holding hands sa hallway.
Ang problema?
Habang nagpapanggap silang magkasintahan, unti-unting nagiging totoo ang mga titig, ang pagseselos, at ang mga ngiting hindi na kayang itago.
From rivals... to something dangerously real.
At kapag dumating ang moment na kailangan nang itigil ang pagpapanggap-
handa ba silang bumalik sa pagiging magkaaway?
O aamin na sila na matagal na silang nahulog?
All Rights Reserved