"Ang kaisa-isa kong rule: Ayokong magkagusto sa mga 30 pataas."
Apat lang ang rason ni Pop Rizz Azucena Gantuangco:
Una, hindi siya komportable.
Pangalawa, nakakasuka.
Pangatlo, parang sugar daddy.
Pang-apat, amoy antigo.
Bilang isang graduating top student, tanging dangal at diploma lang ang focus ni Pop. Ang mantra niya: "Kahit pangit, basta huwag lang gurang."
Ngunit ang matibay niyang panuntunan ay biglang gumuho sa pagdating ng kanilang substitute teacher - ang misteryosong si Mr. Rodge Dave Bautista.
Sa pagnanais na makilala pa nang husto ang guro, isang mapanganib na laro ang sisimulan ni Pop. Gagamit siya ng isang pekeng identidad upang mapalapit dito nang hindi mabubuko. Pero sa bawat hakbang niya sa likod ng maskara, tila unti-unti ring nalalagay sa mitsa ang kanyang kinabukasan at ang reputasyong iniingatan.
Sa mundong binuo ng kasinungalingan, kaya mo bang panghawakan ang iyong prinsipyo kung ang tanging dahilan ng iyong pagtibok ay ang taong bawal sa iyo?
Started: March 12, 2026
Ended:
All Rights Reserved