Si Cai ay isang dakilang Ghostwriter. Siya ang utak sa likod ng bawat "Deep Quote," bawat "Sweet Caption," at bawat viral "Relationship Advice" ng sikat na social media influencer na si Chloe. Habang ang buong Pilipinas ay kinikilig sa mga posts ni Chloe, si Cai naman ay lunod sa kape at sama ng loob dahil sa kaniyang ex-boyfriend na nang-iwan sa kaniya sa ere.
Isang gabi, habang lunod sa alak at emosyon, aksidenteng na-post ni Cai ang kaniyang "Bitter Manifesto" sa page ni Chloe na may 5 million followers. Imbes na ma-cancel, ang post ay naging viral sensation. Minahal ng mga netizens ang "rebranding" ni Chloe bilang isang palaban at realistiko sa pag-ibig.
Para isalba ang kaniyang trabaho, kailangang panindigan ni Cai ang pagiging "Voice" ni Chloe. Pero magiging impyerno ang lahat nang dumating si Jax-isang seryoso, suplado, at anti-influencer na Tech CEO.
Si Jax ang magiging "fake boyfriend" ni Chloe para sa isang mega-brand deal. Ang trabaho ni Cai? Turuan si Jax kung paano maging "sweet" sa harap ng camera habang nakatago siya sa gilid.
Pero paano kung ang seryosong si Jax ay unti-unti nang nahuhulog... hindi sa babaeng nasa harap ng lente, kundi sa babaeng nagsusulat ng bawat salitang binibitawan niya?
Sabi nila, "Honesty is the best policy." Pero sa mundo ng filter at likes, paano kung ang tanging totoo ay ang lihim na pag-ibig sa likod ng mga salita?
All Rights Reserved