Beyond the Fear of the Unspoken Promise
Sa edad na bente-uno, pakiramdam ni Jasmine ay napag-iiwanan na siya ng mundo. While others were finding "the one" in person, she was stuck in a cycle of endless scrolling. Sanay na siya sa bawat sulok ng mga dating apps, but they only brought her disappointment. Kung hindi kailangang mag-bayad ng mahal na subscription, puro mga lalaking walang respeto naman ang nakaka-match niya-yung mga tipong bigla na lang magse-send ng bastos na pictures without warning. It was exhausting and honestly, she felt hopeless. Literal na "sumusubok lang" na lang siya.
Not until she tried Badoo and matched with Leon, a guy from Australia.
Agad na-curious si Jasmine dahil sa profile ni Leon. Unlike other guys na puro flexing ng katawan o pormahan ang laman ng pictures, Leon was different. Napaka-simple lang nito. Ang makikita mo lang sa profile niya ay mga kuha ng magagandang scenery, a serene cherry blossom tree, and a cute cat. It felt peaceful, a breath of fresh air in a toxic digital world.
Sa sobrang interest ni Jasmine, siya na ang unang nag-lakas ng loob na mag-message. Kahit inabot ng dalawang araw bago ito nabasa ni Leon, doon nagsimula ang lahat. What started as simple chat turned into a unique bond. For the first time, Jasmine felt heard. Leon became her safe space-ang tanging tao na nakaka-intindi sa bawat overthinking niya at nagbibigay ng assurance na kailangan niya.
Pero habang lumalalim ang nararamdaman nila, unti-unti ring nagiging malinaw ang pinakamalaking kalaban nila: The Distance. Sa pagitan ng dagat at magkaibang bansa, sapat nga ba ang mga salita at pangako para mapanatili ang koneksyon nila, lalo na kapag nagsimula nang pumasok ang takot at katahimikan?