Ako si Akistra Zea Mortlake, isa akong babaeng mahinhin at mabait pero nagbago lahat ng mangyari sakin ang hindi ko makakalimutang sakit ng nakaraan.
Pinagtawanan nila ako dahil mahinhin daw ako. Pinagsalitaan ng masakit kasi hindi ako lumalaban. Iniwan ako ng ex ko kasi gusto niya ang best friend ko.
High school ako noon. Wallflower. Punching bag. "Kawawang Akistra" - yan ang tawag nila sa akin habang binubuhusan ako ng juice sa hallway, habang sinusulat nila "Loser!" sa locker ko.
Tiniis ko lahat.... 4 na taon. Kasi naniniwala ako na ang kabutihan ay mananalo rin.
Pero nagkamali ako....
Umalis ako papuntang America, basag at duguan ang puso. Binalik ako ng nanay ko para "magbagong buhay". Pero ang ibinalik nila sa bayan na 'to... hindi na ako.
5 taon.... 5 taon akong nag-aral kung paano pumatay nang walang bakas. Paano ngumiti habang pinipilipit mo ang leeg ng kaaway mo. Paano maging perpekto sa labas pero demonyo sa loob.
Bumalik ako pero hindi na ang dating ako "Lovely" pa rin daw, sabi nila. Hindi nila alam na ang kabaitan ko ay depende na sa taong makakasalamuha ko.
Ngayon, isa-isa kong babalikan lahat ng nanakit sa akin. Doble ang ibabalik ko sainyo, tandaan n'yo yan, dahil ang dating Akistra Zea Mortlake, ay wala na.
Tous Droits Réservés