Some people say bitterness is everywhere. Yung kahit saan mo tingnan mapabagay, tao o kahit pagkain may pinaghuhugutan. Di ko alam pero ako alam ko sa sarili ko na bitter ako, bitter na bitter. That's why it's the reason why I'm still SINGLE. Wala naman akong magagawa eh nasaktan ako, umasa tas nagmahal ulit tas umasa at nasaktan na naman. Dalawa lang lagi kong kinahihinatnan ang umasa at masaktan. Kelan kaya mangyayaring ang ending nagmahal ako at mahal din ako. Kaya bago pa ako masiraan kakaisip ng maraming bakit. Magpapaka-bitter na lang ako atleast di ako umasa di pa ko nasaktan. Mahihirapan na si kupido na panain ulit ang puso ko sa mga nangyari daig pa ng puso ko ang na double dead, double kill at hit and run. Kung baga sa kaso ng pagpatay may homicide, suicide, murder, salvage, massacre at ambush pa. Durog na durog , sugat na sugat kaya naman para mabuhay pa pinasemento ko na pinasamahan ko pa ng graba. Kahit pa panain yan ni kupido mababali lang . Sorry!