The Draven's Crown

The Draven's Crown

  • WpView
    Reads 6,301
  • WpVote
    Votes 135
  • WpPart
    Parts 27
WpMetadataReadMatureComplete Sun, May 24, 2026
WpInfo
Fiction
Romance
College and University
Dark Romance
Slow Burn
Her name was Rhaenella Valyrs. Masaya ang buhay niya noon kasama ang kanyang mga magulang-hanggang sa biglang nagbago ang lahat nang maaksidente ang mga ito. Naiwan siyang mag-isa at napunta sa pangangalaga ng kanyang Tita Sylvia. Dahil sa malaking gastos sa libing ng kanyang mga magulang, napilitan silang ibenta ang kanilang bahay. Kaya naman lumipat si Rhaenella at tumira na kasama ang kanyang Tita Sylvia. Mabait at maalaga ang kanyang tita, na isang nurse. Nang dumating ang panahon na mag-college si Rhaenella, ang Tita Sylvia niya ang nagsikap na pag-aralin siya. Kahit napakasakit mawalan ng mga magulang, pinili pa rin ni Rhaenella na magpatuloy sa buhay at harapin ang kanyang kinabukasan. Not until she met the Draven brothers...
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The Male Leads Obsession (Under-Editing)
  • The Sub Rosa [Completed]
  • Trapped With Them
  • Project Marionette
  • The Girl who had a Third Eye [Completed]
  • INCENSE
  • Langit Ka, Lupa Ako
  • SECOND LIFE
  • Not your Ordinary Exchange Student
  • Im inlove with a TOMBOY

Simula pa lang halos mawalan na ako ng hininga habang binabaybay ang kadiliman ng gabi dito sa kagubatan. Ayaw kong huminto. Ayokong makita niya ako. I've had enough of his cruel obsession with me. Tama na! Hindi ko na kaya pang makasama ang taong katulad niya. Ramdam ko ang hapdi ng mga paa't binti ko. But I forced myself not to mind those scratches and wounds. Wala akong panahon para alalahanin pa ang bagay na 'yan, dahil ang tanging gusto ko lang naman ngayon ay makatakas sa mga kamay niya. "Damn it! Find her. NOW! Or I will kill all of you. Right here. Right now." Dumagundong ang boses niya sa buong kagubatan. Damn it! Mas lalo akong nataranta nang marinig ko ang papalapit nilang mga yapak. Hindi pwede 'to. I won't let him get me. Never again. Pinilit kong maglakad nang tahimik, pero mabibilis ang bawat hakbang ko. Hanggang sa maabot ko ang isang napakalaking puno ng mangga. Sa tabi nito ay bangin na sobrang lalim. Bigla akong natakot nang dungawin ko ito. Damn! Saan na ako pupunta ngayon? Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ng taong tinatakasan ko. I'm doomed. "Found you. Did you think you could escape from me, baby?" malamig niyang wika. Nakakatakot ang mga titig niya. Tila anumang oras ay kaya niya akong patayin at ilibing nang buhay ngayon mismo. Hindi ko namalayang nagsilandasan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "H-Hindi ako sasama sa iyo. I would rather die than be with you, Kuya T-Tred. P-Pakiusap, pakawalan mo na ako..." garalgal kong pakiusap.

More details
WpActionLinkContent Guidelines