Dati akong mataba, maitim, kulot, naka-brace at nakasalamin. In short, panget. Ay hindi, NAPAKAPANGET! Ewan ko nga ba bakit ganun naging itsura ko kahit mayaman kami e. Oi, hindi ako ampon noh! Sabi nila ayaw lang nila akong paayusan noon kasi dahil bata pa daw ako. Kaya nagtiis ako sa ganung itsura. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang lalaking gustong gusto ko noong 1st yr. high school ako. Super crush ko sya kaya nung 4th yr. na kami nagsabi ako sakanya ng feelings ko. But that‘s my biggest mistake dahil pinahiya nya ako sa maraming tao. As in sa maraming tao dahil sa buong campus lang naman nya ako pinahiya. But it’s 8 yrs. ago. Napakarami ng nagbago. Thanks to him kasi dahil sakanya binago ko ang sarili ko. And I promised to myself na magpapayat, magpapaputi, magpapastraight, magpapa-ayos ng ngipin at mag-cocontact lense ako. In short, magpapaganda. Ay hindi ulit, SOBRANG MAGPAPAGANDA! As in TOTAL MAKE-OVER! And I did not fail to do it because now, everybody’s telling me that I’m a GODDESS! And I’m here para makaganti sa lalaking nagpahiya at nangmaliit sakin, si Max Jasper Rosales. I’m pretty sure that I will get my revenge! I’m back and my name is ALIYAH.JESSICA.SCUDDER!