Sa bawat titig na pilit naming iniiwas sa mata ng mundo,
May mga salitang hindi masabi, ngunit ramdam sa bawat tibok ng puso.
Sa pagitan ng tama at mali, kami'y tahimik na naliligaw,
Hinahabol ang sandaling alam naming hindi dapat isugal.
Hanggang kailan namin kayang itago ang lihim na ito,
Kung bawat araw ay mas lalo lang kaming nagiging totoo?
At kung dumating ang panahong kailangan na naming bumitaw,
Kakayanin ba naming kalimutan ang tayo' na minsan naming pinanghawakan at ipinaglaban nang tahimik, kahit bawal?
All Rights Reserved