Love at First Kabag by Andrea Cornilla
Sa tuwing nakikita ni Babylyn "Bebang" Tejada si Dominic Miranda, hindi butterflies in the stomach ang naramdaman niya kundi kabag. Palagi kasing bumabalik sa isip niya na tumae ito sa shorts noong mga bata pa sila.
Nagsimula man sa kabag ang lahat, nauwi sa love ang nararamdaman niya para kay Dominic. Kahit bata pa lang siya, binigay niya ang lahat para rito.
Subalit pagkatapos niyang ibigay ang lahat, bigla na lang itong nanlamig at iniwan siyang broken hearted. Kahit pangalan niyang Babylyn, kinamumuhian niyang marinig dahil ang malambing na boses lang nito ang nagpapaalala.
Ilang taon ang lumipas, muli silang nagkita ni Dominic sa kasal ng kaibigan niya. At katulad ng unang pagkakataon silang nagkita, nakaramdam siya ng kabag. Kabag hindi para sa taong kinamumuhian niya kundi kabag para sa paparating niyang... tae.
Started: July 29, 2026
All Rights Reserved