Sa isang kwentong puno ng tahimik na pag-asa at maling pagbasa sa mga simpleng kilos, susundan natin ang isang dalagang unti-unting nahulog sa isang lalaking akala niya ay may parehong nararamdaman. Sa bawat "good morning," sa bawat sabay na lakad, at sa bawat sandaling tila para lang sa kanilang dalawa, nabuo ang isang koneksyon na pinaniwalaan niyang espesyal.
Ngunit paano kung ang lahat ng iyon ay normal lang para sa kanya?
Sa pagdating ng katotohanan, na may iba na palang laman ang puso ng lalaking minahal niya, mawawasak ang mundong siya mismo ang bumuo. Isa itong kwento ng unspoken feelings, false hope, at pagtanggap, kung saan matututunan niyang hindi lahat ng nararamdaman ay may kapalit.
Dahil minsan, kahit gaano mo pa gustuhin, hindi siya kailanman naging sa'yo.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang