Sa Ilocos Sur, sina Maria at Lucio ay may negosyong empanada. Dahil sa tsismis, nagtaksil si Lucio kaya humingi ng tulong si Maria sa mangkukulam na si Apo Dolores at naging Manananggal. Sa gabi, nagbebenta siya ng empanada nang hindi alam na laman tao na pala ang ginagamit niya. Samantala, hinanap siya ni Lucio at sumali sa isang kulto para protektahan ang pamilya, pero nauwi ito sa pagkamatay ng kanilang anak na si Victor. Hindi alam ni Maria, napatay at nagamit pa niya ang sariling anak sa kanyang mga empanada. Nang muli silang magkita, sinabi ni Lucio ang katotohanan. Labis na nasaktan si Maria at tuluyang nawasak ang kanyang buhay at pamilya.
All Rights Reserved