Si Aleah Delgado ay isang matalino, mataray, at hindi basta basta nagpapatalo na psychology student na sanay lumaban para sa sarili. Hindi siya madaling takutin, hindi siya madaling paikutin, at lalong hindi siya yung tipong sumusunod lang sa gusto ng iba. Kaya nang makilala niya si Anthony Lloyd Smith Yee, isang malamig, istrikto, at misteryosong lalaking sanay kontrolin ang lahat sa paligid niya, agad nagsimula ang walang tigil na banggaan ng dalawang taong parehong ayaw magpadaig.
Sa una, puro inis lang. Puro asaran, pagtatalo, at mga titig na mas matalim pa sa mga salitang binibitawan nila. Pero habang mas madalas silang pinaglalapit ng pagkakataon, unti unting nabubuo ang isang koneksyon na pareho nilang hindi inaasahan. Isang koneksyon na mas lalong nagiging magulo dahil habang pilit nila itong iniiwasan, mas lalo naman silang hinihila pabalik sa isa't isa.
Pero hindi simpleng lalaki si Anthony. Sa likod ng tahimik niyang presensya at nakakatakot na awra ay isang mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at panganib. Isang mundong hindi dapat nilalapitan ni Aleah, pero siya ring mundong unti unti niyang nasisilip habang mas nakikilala niya ang lalaking dapat sana ay iniiwasan niya.
Habang lumalalim ang kanilang samahan, mas nagiging komplikado ang lahat. Dahil paano kung ang lalaking pinaka nakakainis sa kanya ang siya ring lalaking hindi niya maiwasang hanapin? At paano kung ang babaeng laging sumasagot, lumalaban, at gumugulo sa isip niya ang siya ring nagiging pinakamalaking kahinaan ng isang lalaking sanay na walang pinapapasok sa buhay niya?
Sa mundong puno ng pride, danger, at damdaming parehong ayaw aminin, hanggang saan ang kayang isugal ng dalawang taong parehong hindi marunong umatras?
All Rights Reserved