"I am Cassandra Dela Vega. I don't do history and I really hate History"
Para kay Cassie, ang buhay ay isang mahabang Instagram feed-curated, expensive, at laging ready. Siya ang itinuturing na Queen ng lahat. Ang tanging problema? Isang bagsak na marka sa Philippine History at isang masungit na si Prof. Antonio Luna na determinadong wasakin ang kaniyang perpektong mundo.
Isang pekeng sakit, isang bote ng suka, at isang desperadong pagtakas ang kaniyang ginawa para lang maiwasan ang nakamamatay na field trip sa National Museum. Akala niya, nalinlang na niya ang lahat. Akala niya, ligtas na siya sa Nakaraan na pilit na isinusuksok sa kaniyang utak.l
Ngunit sa gitna ng kaniyang marangyang buhay, isang misteryosong matanda ang nag-iwan ng babala: "Ang hindi mo gustong makita, siya ang lilingon sa'yo."
Isang itim na bato ang magsisilbing susi. Isang aksidente sa madilim na pasilyo ng museo ang magpapabago sa takbo ng kaniyang orasan. Sa isang kurap, ang "Queen" ay magigising sa isang mundong walang kuryente, walang WiFi, at walang takas-isang panahon kung saan ang kaniyang ganda ay hindi sapat para mabuhay.
Dahil sa kaniyang pagdating, isang propesiya ang magigising. Isang sinaunang hari ang naghihintay ng kaniyang sasaniban-isang kaluluwang itinakda upang baguhin ang daloy ng kasaysayan.
Magagawa kaya ni Cassie na panindigan ang kaniyang korona kung ang tadhana mismo ang nagnanais na siya ay maging alipin ng nakaraan? O tuluyan na ba siyang lalamunin ng kasaysayan na dati ay kaniyang kinamumuhian?
Get ready to travel back, because the past isn't just a subject... it's a trap.
All Rights Reserved