Isang simpleng empleyado.
Isang kumpanya na puno ng lihim.
At isang nakaraan na puno ng dugo.
Si Kael Dela Cruz ay kilala bilang masipag, tahimik, at mapagkakatiwalaang worker sa AstraTech Industries, isang high-tech company na gumagawa ng kagamitan para sa mga ahensya ng gobyerno. Dahil sa kanyang talino at dedikasyon, sunod-sunod ang kanyang promosyon hanggang sa isang araw... siya ang naging pinakabatang CEO sa kasaysayan ng kumpanya.
Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay, may mga taong handang pumatay para maagaw ang kanyang posisyon.
Hindi nila alam, ang lalaking gusto nilang ipapatay ay dati nang kilala sa underworld bilang Ghost Arrow, isang assassin na hindi kailanman pumapalya sa kanyang target.
Habang unti-unting bumabalik ang kanyang mga alaala, matutuklasan ni Kael ang mas malaking katotohanan:
ang kanyang mga kalaban... ay ang mismong pamilyang hindi niya kailanman nakilala.
Sa mundong puno ng bala, lihim, at pagtataksil, pipiliin ba niya ang kapangyarihan, ang paghihiganti... o ang dugo na dumadaloy sa kanyang ugat?
All Rights Reserved