Hindi ko alam kung kailan nagbago ang lahat.
Isang araw, okay pa kami. Tawanan, kwentuhan, sabay-sabay sa iisang kwarto. Pero kinabukasan, parang hindi na nila ako kilala. May mga tingin, may mga parinig, at may mga salitang hindi direkta... pero alam mong ikaw ang tinutukoy.
"May nagawa ba akong mali?"
Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko, pero walang sagot.
Hanggang sa siya nalang ang natira.
Yung taong akala ko, hindi ako iiwan.
Pero paano kung pati siya... piliin din akong iwan?
Paano kung sa huli, mapatunayan ko na hindi ako sapat para manatili ang kahit sino?
This is not just a story about heartbreak.
This is a story about being left behind...
by friends, by love, and slowly-by yourself.
All Rights Reserved