Yung Mga Hindi Ko Masabi
Sa malamig na hangin ng Baguio, sinusubukan ni Lianne Reyes tapusin ang nobelang kailangang ipasa para sa kursong Malikhaing Pagsulat. Madali para sa kanya ang bumuo ng mga salita para sa iba-pero pagdating sa sarili niyang kuwento, laging nauuwi sa pagputol, sa katahimikan, sa mga pahinang biglang hindi na niya kayang isulat.
Hindi dahil kulang siya sa ideya. Kundi dahil may isang araw na ayaw niyang balikan-ang araw na nawala ang kanyang ina.
Ngunit sa paghalungkat niya sa mga lumang journal nito, unti-unting nagkakaroon ng mga bitak ang inaakalang buo niyang alaala. May mga pahinang nawawala. May mga linya na tila sadyang hindi tinapos. May mga detalye na hindi tugma sa mga kuwentong matagal na niyang pinaniwalaan. Hanggang saan ang totoo, at kailan nagsimulang maging imbento ang mga alaala niya?
Habang pilit niyang binubuo ang kuwento ng kanyang ina, mas lalo rin siyang nalalayo sa sariling katotohanan na matagal niyang iniiwasan.
Kasabay nito, humihigpit ang pressure sa eskwela, ang inaasahan ng kanyang propesor, at ang bigat ng relasyon nila ng kaibigang si Joyce-na minsang lumampas sa hangganan nang maipakalat ang isang personal na sulat na hindi dapat nakita ng iba.
Sa gitna ng lahat, unti-unting nauubos si Lianne sa pagitan ng pagsulat at pananahimik.
Kapag dumating ang deadline, ano ang isusuko niya-ang kwentong dapat niyang tapusin, o ang katotohanang matagal na niyang itinatago kahit sa sarili niya?
At kung sakaling mabuo na ang nobela, handa ba siyang harapin kung ano talaga ang lalabas sa huling pahina?